Usapin ng cyber sex, tatalakayin ng SC

sc

ISASAMA na rin ang isyu ng cybersex sa gagawing oral argument ng korte suprema hinggil sa kontrobersyal na cybercrime law.

Ayon kay SC Deputy spokesperson Atty. Gleo Guerra, inatasan na ang mga partido sa kaso na isama sa kanilang mga argumento ang cybersex provision ng batas.

Matatandaan na una nang naglabas ang Supreme Court ng 120 araw na temporary restraining order laban sa implementasyon ng Republic Act No. 10175 o ang Cybercrime Prevention Act of 2012.

Bukod sa cybersex, kasama rin sa tatalakaying isyu ay ang cyber libel, pagbibigay kapangyarihan sa DOJ na magrestrict o mag-block ng access sa isang computer data at iba pang cybercrime offense na lumalabag umano sa constitutional rights ng isang tao.

Nakatakda naman ang unang bugso ng oral argument sa Enero 15, habang ang ikalawang bugso naman ay sa Enero 22 na inilaan para sa panig ng pamahalaan para makapagpaliwanag.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply