Usec Benito Ramos ng NDRRMC, nag-resign

NAGRESIGN si National Disaster Risk Reduction & Management Council (NDRRMC) executive director Benito Ramos sa puwesto.

Ayon sa report, nagbitiw ngayon umaga sa kanyang posisyon si Ramos.

Walang binanggit na dahilan kung bakit nagresign ang nasabing opisyal.

Ayon sa report, tinanggap na umano ni Defense Secretary Volatire Gazmin ang resignation.

Marami ang nababahala sa biglaang pagbibitiw na Ramos dahil sa masamang panahon na tinatayang dadaan sa Luzon at Visayas ngayong linggo dulot ng low pressure area  na magdudulot ng matinding pag-ulan.

Nagbabala ngayon ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA)  sa posibilidad na lumipat sa Luzon
at Visayas ang matinding pag-ulan na naitatala sa rehiyon ng Mindanao.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply