USEC NG DAR KONTROBERSIYAL

bong_padua1

NAKATAWAG-PANSIN ang nangyayaring ilang araw nang kaguluhan sa main office ng Department of  Agrarian Reform diyan sa Quezon City.  At ang nagsisindi ng away ay ang tila, ‘di nagkakasundo na mga kawani at ang bossing nilang si Usec. Perry
Villanueva.

Galit ang mga empleyado kung pagbabasehan ang ginawa nilang paglusob sa opisina ni Villanueva sa paratang na militarisasyon sa DAR. Buwisit ang mga kawani dahil ipinag-utos daw ni Villanueva ang paglalagay ng rehas na bakal sa mga pintuan ng ahensya at pagtataas ng mga bakod sa DAR.

Hindi ko maarok ang rason ng mga kawani, pero, teka, kung tama ang aking memorya, si Villanueva ay ang DAR official na punom-puno ng kontrobersya. Sa mga palpak na bidding, si Villanueva ang sinisisi kaya hinihingi noon ng mga kawani ang kanyang pagbibitiw, pero naririyan pa rin siya sa DAR.

May nagbulong pa sa Chokepoint na sa nakaraang taon, nagsauli ang DAR ng kalahating bilyong piso sa National Treasury dahil sa nabigong bidding sa ARCCESS program ng ahensya. Sa ilalim ng pamamahala ni Villanueva sa Bids and Awards Committee ng DAR, lantaran ang pagpabor sa mga kompanyang nais manalo, ayon sa ulat.

Kung ganun ang nangyayari, aba’y dapat bantayan ang mga pinabi-bid na mga proyekto riyan sa DAR. May ulat sa atin na pinabi-bid ngayon ang MINSAAD project. At para malaman ang katotohanan sa likod ng mga paratang ng mga kawani kay Villanueva, dapat sigurong umentra na ang Kongreso. Magsagawa na ng imbestigasyon.

GAMBLING SA ATIMONAN RUBOUT

Agawan sa operasyon ng bookies sa STL sa Region 4A ang ugat ng shootout na dahilan ng pagkamatay ng 13 katao, ayon sa info ng Chokepoint.

Inunang pinatay ang operations manager ni Vic Siman sa isang shooout na iniulat ng kapulisan sa Calamba nitong nakaraang Disyembre.

Pagkatapos ay sumunod si Siman sa Atimonan shootout na lumalabas na rubout kung pagbabasehan ang police investigation report.

Puwera pa ang pagpatay kay Siman at kanyang operations manager, marami na umano siyang bata sa STL-bookies operations na pinaslang.

Kaya tama ang desisyon ni DILG Sec. Mar Roxas na sibakin si Gen. James Melad dahil ‘di ito karapat-dapat sa kanyang puwesto.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply