Usiserong kelot binoga, tigok

bangkay

PATAY ang isang binata matapos barilin habang nag-uusyoso sa mga nag-aaway sa Caloocan City kaninang madaling araw, Enero 14.

Namatay habang ginagamot sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center sanhi ng tama ng bala sa katawan si Kenichi Iwase, 20, ng Tatampal st., ng lungsod.

Nadakip naman sina Heroly Magpayo, 44, ng Longos, Malabon City at Marlon Cinco, 28, ng Dagat-dagatan, Caloocan City habang nakatakas ang gunman na nasa katamtaman ang pangangatawan.

Sa ulat, dakong alas-2:45 ng madaling araw, may nakaaway ang mga suspek sa Dagat-dagatan Avenue ng lungsod nang makiusyoso ang biktima.

Nagalit ang mga suspek at ang biktima ang pinagbalingang barilin ng gunman na naging dahilan upang dalhin sa PDMMMC.

Nadakip naman ng mga pulis ang dalawa habang nakatakas ang nagpaputok.

Inaalam na ng mga pulis kung sino ang nakapatay sa biktima.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply