USS Guardian, panagutin -Obispo

palawan-bishop-arigo

NANANAWAGAN si Palawan Bishop Pedro Arigo sa pamahalaan na gawin ang lahat upang mapanagot ang mga taong responsable sa pagsadsad kamakailan ng American minesweeper USS Guardian sa Tubbataha Reefs Natural Park sa Sulu Sea.

Ayon kay Arigo, kailangang gawin ng pamahalaang Pilipinas ang lahat ng paraan upang maalis sa Tubbataha reefs ang barko para maiwasan ang malaking pinsala na idudulot nito sa lugar.

“Ang appeal natin, dapat ma-retrieve kaagad ang barko at maiwasan ang larger damage sa coral reefs. The government should exert all efforts na huwag nang ma- aggrevate ang damage. Siyempre kung sino talagang responsable diyan ay talagang they have to pay for it at dapat na managot,” pahayag pa ni Arigo, sa panayam sa radyo.

Sinabi pa ng Obispo na kung maari lamang na kumpiskahin ng pamahalaang Pilipinas ang barko ay nararapat itong gawin dahil lumabag sa batas ang USS Guardian o illegal ang pagpasok nito sa teritoryo ng Pilipinas.

Anang Obispo, noong pumunta siya sa Tubbataha ay maraming mga barko ang kino-confiscate ng Philippine Navy dahil sa illegal na pagpasok sa reef na itinuturing na restricted area.

Naniniwala si Arigo na ang pagsadsad ng barko ay nagdulot ng malaking pinsala sa mga napakagandang coral reefs sa Tubbataha.

Umaasa din ang Obispo na matukoy ng gobyerno ang dahilan ng iligal na pagpasok ng USS guardian sa lugar at makagawa ng mga safety nets para maiwasang maulit ang pangyayari.

Ayon kay Arigo, ang Tubbataha Reefs ay itinuturing na ‘pride’ ng Palawan at isa sa Seven Wonders of the World.

Maihahalintulad, aniya, ito sa isang malaking aquarium dahil sa napakayamang marine resources nito.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply