V. Luna Hospital nilooban, 1 sa suspek tiklo

crazy

TIKLO ang isa sa tatlong lalaki na nagnakaw sa quarters ng mga military nurse ng Armed Forces of the Philippines Medical Center (AFPMC) sa V. Luna Hospital, Quezon City.

Naaresto ang suspek na si Jeffrey Tubis, 24-anyos, miyembro ng Akhro Fraternity matapos nilang looban ang naturang quarters bandang alas-2:00 ng madaling araw.

Nabatid na nagawang looban ng mga suspek ang quarters kahit pa ito ay may nakakabit na barbed wire sa bakod sa pamamagitan ng paggamit ng kumot.

Natuklasang ni Major Alan Hornada na bukas ang cabinet ng mga nurse sa kanilang kwarto.

Nabatid pa na ito ang ikaapat na pagkakataon na nilooban ang naturang quarters.

Natangay ang mga laptop ng mga nurse.

Hindi naman itinanggi ng suspek na sangkot siya sa pagnanakaw.

Ihinahahanda na ng Quezon City Police ang mga kasong ihahain laban kay Tubis.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply