Van nahulog sa bangin sa Benguet, 6 patay, 7 sugatan

crime9

PINAGLALAMAYAN na ngayon ang anim katao na dumalo sa mass funeral kagabi habang pito naman ang sugatan nang mahulog habang pauwi ang kanilang sinasakyang van sa isang bangin sa Benguet kaninang madaling araw (Enero 27).

Dead on the spot kaagad ang anim sa mga pasahero na hindi nakuha ang mga pangalan habang pito naman ang itinakbo sa Sayangan Hospital sa Atok, Benguet at sa Beguet General Hospatal and Mecial Center sanhi ng tinamong kapansanan sa iba’t ibang parte ng katawan.

Hindi naman nabanggit sa ulat kung ang drayber ng private utility van na may plakang WSY-874 na si Wilbert Gaudin Galino ay kasama sa mga kaswalidad o sa mga nasaktan lamang.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong 2 ng madaling araw sa isang bisinidad ng Km. 43 Balangang Atok, Benguet.

Sa imbestigasyon ng Atok Municipal Police Station, bago ang insidente ay nagmula sa isang mass funeral ang mga biktima sa Tadian Mountain Province nitong Sabado at pabalik na sa Baguio City.

Pero habang bumabiyahe, sa hindi pa malamang dahilan ay nahulog ang nasabing van sa bangin na may lalim na 600 meters mula sa kalsada.

Ginagamot ang mga sugatang biktima sa Sayangan Hospital sa Atok, Benguet at sa Benguet General Hospital and Medical Center.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply