Vendor binoga sa ulo, dedo

crime8

BUTAS ang ulo ng isang tindera nang barilin ng hindi nakilalang lalaki sa Quezon City, Huwbes ng hapon.

Hindi na umabot ng buhay sa Quirino Memorial Medical Center (QMMC) sanhi ng tinamong tama ng bala ng hindi pa malamang kalibre ng baril sa likod ng ulo ang biktimang si Raymala Avelino, 30-anyos ng F. Manalo Compound, sa Barangay Immaculate Concepcion.

Wala namang ideya ang Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), kung sino ang salarin na inilarawang nakasuot ng itim na T-shirt at itim na baseball cap pero may hinalang may kinalaman ito sa puwesto sa pagtinda.

Sa ulat ng CIDU, naganap ang insidente dakong alas-7:00 Huwebes ng gabi sa footbridge ng Metro Manila Development Authority (MMDA) sa kanto ng Epifanio delos Santos Avenue (EDSA) at Aurora Blvd. sa Cubao.

Bago ito, abala sa pagtitinda ang biktima nang biglang lapitan ng suspek at malapitang binaril sa likod ng ulo bago tumakas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply