Vendor nakatulog sa veranda, nalaglag patay

crime10

PATAY ang 27-anyos na vendor matapos mahulog nang makaidlip sa veranda ng inuuupahang bahay kaninang umaga sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang biktima na si Joel Guttierez, ng 1359 B Juan Luna St. Tondo, Maynila.

Nabatid na alas-6:15 ng umaga nang mangyari ang insidente sa harap ng bahay ng biktima.

Lumalabas na nakatulog ang biktima sa veranda  dahil sa pagod mula sa pagtitinda sa Divisoria ng magdamag.

Isang kapitbahay ng biktima ang nakakita sa kanya na nakaupo sa veranda at nakasandal sa poste.

Naisugod pa sa Mary Johnston Hospital si Guttierez ngunit idineklarang dead on arrival sanhi ng pinsala sa noo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply