Vendor nakatulog sa veranda, nalaglag patay

crime9

PATAY ang isang 27 anyos na vendor matapos itong mahulog at lumagapak nang makaidlip sa veranda ng inuupahang bahay kaninang umaga sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang biktima na si Joel Guttierez, ng 1359 B Juan Luna St. Tondo, Maynila.

Ayon kay SPO1 Jonathan Bautista, imbestigador ng Manila Police District-homicide section, dakong alas 6:15 ng umaga nang mangyari ang insidente sa harap ng bahay ng biktima.

Sa imbestigasyon ng pulisya, lumalabas na nakatulog ang biktima sa kanilang veranda dahil sa pagod mula sa pagtitinda nito sa Divisoria nang magdamag.

Isa umanong kapitbahay ng biktima ang nakakita na nakaupo ito sa veranda at nakasandal sa poste.

“Posibleng nakaidlip at nang maalimpungatan, huli na hindi na siya nakabalanse kaya nahulog at bumagsak sa nakaparadang motorsiklo,” ayon kay Bautista.

Naisugod pa sa Mary Johnston Hospital ngunit idineklarang dead on arrival sanhi ng tinamong pinsala sa noo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply