Veteran host Pepe Pimentel pumanaw na

pepe-pimentel

(UPDATE) Pumanaw na ang beteranong host na si Pepe Pimentel, kaninang umaga.

Si Pimentel ay natagpuang nakabulagta at walang malay sa loob ng comfort room (CR) ng kanilang bahay sa Barangay Laging Handa, Quezon City.

Sa ulat, sinabi na pumasok si Pepe sa CR ngunit makalipas ang 30 minuto ay hindi pa rin ito lumalabas.

Dahil dito, agad na binuksan ng kanyang misis na si Cecilia ang banyo at tumambad ang walang malay na host na duguan ang ulo.

Sa pahayag ni Carlos Reyes, opisyal ng Barangay Laging Handa, QC at unang rumesponde sa insidente, nadatnan niyang nakahandusay si Pepe sa sahig ng kanilang banyo dakong alas-10:00 ng umaga.

Napasugod si Reyes sa bahay ni Pepe matapos matagpuan ng misis ni Pimentel, apo nitong si James at ilan sa kanilang kasambahay ang walang malay na host.

“It looks like inatake siya while inside the bathroom, nabagok ang ulo niya,” tantiya ni Reyes at maging ang kapitbahay nitong isang nagngangalang Dr. Montaño, ang nagsabing wala na si Pepe pero hindi nito maideklarang patay na ito.

“Rough assessment ko po iyon. Maganda po ay madala na po sa ospital,” pahayag ni Montaño.

“Malamig na rin ang katawan at wala na rin pulse. Wala na rin breathing at may dugo sa likuran ng ulo,” dagdag pa nito.

Matatandaang si Pimentel, ang nag-host ng ilang sikat na noontime game shows noong dekada 70 tulad ng Kuwarta O Kahon at Student Canteen.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply