WALA TALAGANG ‘K’

pakurot

NOONG Lunes, nalathala sa Pakurot na walang ‘K’ as in Karapatan si Chief Supt. Franklin Bucayu na pamunuan ang Bureau of Corrections (BuCor) dahil hindi rin nito kayang patigilin ang iligal na sugal sa kanyang nasasakupan.

Kung ang mga gambling lord ay hindi kayang suhetuhin ni Bucayu, mas lalo na ang mga preso kapag naburyong lalo’t hindi nadadalaw ng kanilang pamilya.

Kagaya nga nang nasabi na ang mga preso ay hindi katulad ng mga gambling lord na madaling kausapin at takutin na hindi makapag-ooperate kapag hindi nagbigay ng “goodwill money” at “protection money.”

Posibleng mayayamang preso na lang na kayang bumayad ng  “luho” ang kanyang bibigyan ng pansin tulad ng kanyang ginagawa sa kanyang

nasasakupang kaharian – ang Region 1 o Ilocos Region na binubuo ng mga lalawigan ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union at Pangasinan.

Ayon nga sa isang texter na taga-La Union, sa kanila ay talamak o palasak ang iligal na sugal dahil sa proteksyon hindi lamang sa mga opisyal ng kanilang bayan at lalawigan kundi dahil na rin sa mga pulis na dapat ay silang sumugpo ng iligal na ito.

Laking tuwa ng mga tauhan ni Bucayu nang mabatid na sibak na ito sa kanyang puwesto bilang director ng Region 1 at papalitan ni Chief Supt. charles Calima, director ng Intelligence Group.

Tama lang daw na mamahinga na si Bucayu dahil wala naman itong nagawa sa Ilocos Region.

Good decision si Philippine National Police chief Dir. Gen. Alan Purisima na huwag manukin ang kanyang mistah sa pagka-director ng BuCOr dahil baka mapahiya lang siya kay Pangulong Benigno Aquino III.

oOo

Humihingi ng tulong ang isang residente ng Tandang Sora, Barangay Pasong Tamo sa Quezon City na maipalinis ang creek na nasa lugar nila malapit sa Seaoil Gas Station sapagkat tambak na raw po ang basura at mga tipak ng bato.

Nakatatakot daw na kapag umulan ay umapaw ang tubig at magkaroon ng baha sa kanilang lugar tulad noong Ondoy at Habagat.

Ilang beses na umanong itinawag sa Metropolitan Manila Development Authority sa tanggapan ni Chairman Francis Tolentino subalit ang hiling na maipalinis ang creek ay wala pa rin pong aksyon.

Kaya hiniling ng residente na maiparating kay QC Mayor Herbert Bautista ang kahilingan na maipalinis ang kanilang lugar upang walang maperwisyo kapag nagkaroon ng kalamidad.

Mas maganda sigurong pagtulungan ng mga politikong kandidato sa lugar ang paglilinis.

Isang halimbawa na ang mismong asawa ng kapitan ng Barangay Pasong Tamo na si Marivic Co-Pilar na kandidato bilang konsehal. Dapat kumilos si Kapitana na maipalinis ang kanyang nasasakupan upang matuwa ang mga tao sa kanya at iboto siya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply