Walang birth certificate, maari nang makapag-enroll sa QC

enrollment

SIMULA sa susunod na pasukan, papayagan na ng Quezon City public schools ang mga kabataan na walang birth certificate na makapag-enroll upang ang lahat ng kabataan sa lunsod ay may oportunidad na makapag-aral.

“What the QC schools division is doing is encourage parents to send their children to school even without the birth certificate requirement,” pahayag ni division superintendent Dr. Corazon C. Rubio.

Ayon kay Rubio, ang naturang hakbang ng lunsod ay para mabenipisyuhan ang mga first-time enrollees lalo na ang 5-anyos na kabataan na maaring makapag-enroll sa kindergarten kahit walang official birth records.

“Pwedeng isunod na lamang nila ang birth certificate pagkatapos ng enrollment,” pahayag ni Rubio.

Nauna nang hiningi ni Rubio ang suporta ng bawat QC school para mai-facilitate ang late registration ng birth certificates ng mga kabataan na wala pang official birth records sa local civil registry office.

Nagsanib puwera ang QC Division of City schools at ang Department of Education (DepEd) para magkasa ng malawakang information dissemination drive para hikayatin ang mga kabataan na mag-enroll sa mga eskuwelahan sa pamamagitan ng paghikayat sa mga magulang na magparehistro nang mas maaga.

Ang early registration para sa school year 2013 at 2014 ay para sa mga mag-aaral sa kindergarten at ang mga schoolchildren sa Grades 1 at 7.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply