Walang deployment ban sa Algeria – DOLE

algeria

HINDI pa rin nagdeklara ng Deployment Ban ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa bansang Algeria sa kabila ng naganap na hostage taking na ikinamatay ng 81 katao na pito sa mga ito ang Pilipino.

Ayon kay Labor Secretary Rosalinda Baldoz, hinihintay pa nila ang resulta sa isinasagawang assesment ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa seguridad sa Algeria bago sila magdeklara ng Deployment Ban.

Kaugnay nito, pinatutukan na rin sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang insurance at mga benepisyo ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na nagta-trabaho sa mga oil at gas facilities sa Algeria.

Magugunita na kahapon ay dumating sa bansa ang 22 OFWs mula sa Syria, nanatili muna sa half way house ng OWWA ang mga OFWs at nakatakdang umuwi sa kani-kanilang pamiya ngayong araw.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply