Wanted na Aglipayan priest tiklo

arestado

TIKLO ang isang wanted na Aglipayan priest na 14 na taong nagtago sa awtoridad sa Poblacion, Malapatan, Sarangani province.

Nakapiit ngayon sa Malapatan-PNP si Reverend Vic Dayon,  residente ng nabanggit na lugar dahil sa pagkakadawit nito sa two counts of frustrated homicide.

Nabatid na kaagad na nagtago si Dayon matapos lumabas ang warrant of arrest nito.

Ayon sa ulat, nagsagawa agad ng operasyon ang pulisya matapos na makatanggap ng impormasyon na naglalagi ang pari sa kanilang tahanan.

Nabatid na magpipiyansa ang suspek para sa pansamantalang kalayaan nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply