Waterloo ni Mayor Tuason; Kadaldalan ni Gen. Garbo

burdado-jun-briones2

MINSAN ko nang binanggit, parekoy, na tapat tayo kung nakikipagkaibigan. Kaya nga kapag may nakikita tayong mali ay hindi natin ito pinagtatakpan para mambola lang.

Isinisiwalat natin ito para bigyang babala ang ating kaibigan, lalo na kung siya ay isang opisyal ng gobyerno!

Dahil hindi natin gustong gumaya sa ibang tsuwariwap ng mga politiko na dahil sobrang sipsip sa wetpaks ay pilit pinaniniwala ang kanilang amo na mabango pa ito kahit sobrang bantot na!

Sa Masbate City, abot-tenga ang ngiti ni Mayor Ates Tuason sa tuwing binobola siya ng kanyang mga sipsip-wetpaks na kesyo mabango pa siya kaya ang misis na siyang kumakandidato ngayon ay tiyak umano ang panalo!

‘Yan, parekoy, ang nakikita nating daang pabagsak nitong si Mayor Ates Tuason . . . kung ipagpatuloy niya ang pagpapabola sa kanyang mga bolerong sipsip-wetpaks!

Nakausap natin ang maraming mamamahayag sa Masbate, sobra umano ang galing nitong serbidor ni Ates kaya lumalayo na lang sila. At ipinipikit ang kanilang mga mata sa mga isyu.

Tangna, parekoy, ibato ninyo sa akin ang mga isyung ‘yan at tiyak na sasambulat agad!

Pramis!!!

-o0o-

KAAGAD dumipensa ang Palasyo, hindi raw totoo na plano nilang pisikal na bitbitin palabas ng Kapitolyo si suspended Cebu Gov. Gwendolyn Garcia.

Noong isang gabi kasi ay agad kumalat sa “Twitter” ang plano nina Central Visayas Regional Director C/Supt. Marcelo Garbo na bibitbitin ito palabas! At noon ngang pinabulaanan ito ng Palasyo ay kaagad rin nagpahayag si Gen. Garbo na “it was just a ploy to gain sympathy and political mileage.”

Langya naman ‘yang istayl mo Gen. Garbo, parang sine! Wala ka palang yagbols na lintek ka! Hak, hak, hak!

‘Di ba kaya nagkaroon ng ganitong senaryo dahil diyan sa madaldal mong bibig nang sinabi mo na nakahanda kang bitbitin si Gov. Garcia palabas ng kanyang opisina? Kung hindi mo ito sinalita, magkakaroon ba ng ganitong alingasngas? Ha?

‘Yan ang sinasabi ko sa iyo, Gen. Garbo, na ito ay political issue na nangangailangan ng maingat na mga pahayag para hindi lumala ang sitwasyon.

Dadaldal ka tapos hindi mo kayang panindigan! Pwe!

Ba’t hindi mo ngayon kayang bitbitin palabas si Gov. Garcia? Gawin mo na!!!!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply