Website ni Sen. Sotto, inatake ng hackers

sotto-hacked

INATAKE na naman ng hackers ang website ni Senate Majority Leader Vicente “Tito” Sotto III dahil sa pagsususlong ng Cybercrime Prevention Act of 2012.

Sa mensahe ng hackers, muli nilang iginiit na dapat rebisahin ang Cyber Law dahil nahahadlangan umano nito ang kanilang kalayaan sa cyberspace.

Nagpakilala ang hacker na mula umano sa grupong ‘Anonymous Philippines’ na nagbantang hindi nila titigilan si Senator Sotto hangga’t hindi nire-rebisa ang naturang batas.

Dahil dito, muling nabuhay ang panawagan sa National Bureau of Investigation (NBI) na hanapin ang nasabing mga hacker na umaatake sa mga government websites.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply