Welder dedbol, pinsan sugatan sa pananaga

crime-scene-chalk-mark

TODAS ang isang welder habang malubhang nasugatan ang pinsan nito matapos pagtatagain ng hindi pa nakikilalang grupo ng kalalakihan sa Acero St., Tugatog Malabon City, Martes ng madaling araw (Enero 1).

Dead on arrival sa Pagamutan Bayan ng Malabon (PBM) si Gerald Zamora y Guerrero 24, binata, welder ng Liwanag candle, residente ng Barangay Tinajeros ng lungsod, sanhi ng mga taga sa iba’t ibang parte ng katawan,

Nagtamo rin ng taga sa katawan at inoobserbahan sa Tondo Medical Center si Johnny Zamora, Jr., 53 na pedicab driver, may-asawa, at residente rin ng nasabing lugar.

Ayon sa isinagawang imbestigasyon ni SP01 Redentor Mantala, Station Investigation Division (SID) ng Malabon police,  dakong alas-2:00 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa nasabing lugar.

Tinatahak ng magpinsan ang kahabaan ng Acero St sakay ng de-padyak ng biglang harangin ng grupo ng kalalakihan at agad pinababa si Gerald at isa sa grupo ang naglabas ng itak at pinagtataga sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktima.

Tinagkang tulungan ni Johnny ang kanyang pinsan subalit siya naman ang pinagtataga.

Matapos ang insidente ay mabilis na tumakas ang mga suspek.

Patuloy ang masusing imbestigasyon ng mga awtoridad at inaalam ang tunay ng krimen.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply