Wesley So malinis ang kartada sa Tagaytay Zonal Chess

so

TAGAYTAY CITY – Malinis pa rin ang kartada ni top-seeded grandmaster (GM) Wesley So (ELO 2682) matapos ang Round 3 ng Asian Zone 3.3 Chess Championship sa Tagaytay International Convention Center.

Giniba ni So si GM Mark Paragua sa third round kanina para masungkit ang third straight win sa  scheduled nine-round Swiss format sa event.

Kabilang sa mga biniktima ni So ay si NM Rustum Tolentino nitong Martes at GM Eugene Torre.

Namayani rin si second seed GM Nguyen Ngoc Truong Son ng Vietnam (ELO 2631) kay defending champion GM Susanto Megaranto ng Indonesia (ELO 2529) tungo sa 3.0 points at para makalaban si So para sa solo leadership board sa Thursday’s fourth round, afternoon session.

Samantala, ang laban sa pagitan nina GM Darwin Laylo at GM Dao Thien Hai ng Vietnam, GM Rogelio Antonio Jr. at GM Cao Sang ng Vietnam at FM Gombosuren Munkhgal ng Mongolia kontra kay IM Nguyen Doc Hoa ng Vietnam ay nauwi sa tabla.

Bigo naman si IM Oliver Dimakiling kay IM Bayarsaikhan Gundavaa ng Mongolia. Sina Laylo at Gundavaa ay may tig 2.5 points.

Nakabangon sina Torre, Barcenilla matapos ang sorry second round loses, nakabangon sina Torre at US based GM Rogelio ‘Banjo’ Barcenilla Jr.

Pinadapa ni Torre si FM Rudin Hamdani ng Indonesia habang angat naman si Barcenilla kay NM Nelson Villanueva tungo sa  total 2.0 points gaya ng score nina Paragua, Dao, Antonio, Cao, Munkhgal, Doc Hoa at GM Jonhn Paul Gomez na umibabaw kayIM Barlo Nadera.

May tig-2.0 points din sina IM Rolando Nolte wagi kay NM Roger Sarip at FM Haridas Pascua panalo kay FM Paulo Bersamina. Chief arbiter ay si FIDE delegate Casto Abundo habang Program Director ay si NCFP Executive Director GM Jayson Gonzales.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply