West Philippine Sea pinag-usapan ng Pinas at Japan

pnoy-LP

HINDI nakalusot kina Pangulong Benigno Aquino at Foreign Minister of Japan Fumio Kishida ang kontrobersiyal na West Philippine Sea.

Sa press briefing sa New ExecutiveBuilding (NEB) sa Malakanyang ay sinabi ni Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario na tinalakay nina Pangulong Aquino at FM Kishida ang tinatawag na common challenges na kinahaharap sa malinaw na pag-angkin ng China sa WPS.

Napag-usapan din ang posibilidad na iba’t ibang estratehiya ng Japan at Pilipinas.

“For example, in the bilateral discussions that the ambassador and the Foreign Minister and I had, I explained the three-tracked approach which is the political, diplomatic, and the legal,” ayon sa Kalihim.

Pinag-usapan din ng mga ito ang regional issues gaya ng WPS (West Philippine Sea).

“We discussed also the various areas of cooperation in the UN involving, for example, reforms in the United Nations Security Council and so forth and so on,” anito.

Sinabi ni Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario na pinag-usapan nina Pangulong Aquino at ng bumisitang Foreign Minister ang relasyong pang-ekonomiya, trade investment at turismo.

Sinabi rin ng Kalihim na pinag-usapan din ang maritime security at posibleng tulong sa (Philippine) Coast Guard sa aspeto ng multirole response vessels na popondohan ng Japanese government.

Tinalakay din ng mga ito ang communication system para sa  maritime safety na ang magbe-benepisyo ay ang Coast Guard.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply