WHO: Dengue, pinakamabilis kumalat na sakit sa mundo

dengue-world

KINUMPIRMA ng World Health Organization (WHO) na dengue ang pinakamabilis na tropical disease na kumalat sa buong mundo.

Ayon sa WHO, maikokonsiderang pandemic ang naturang sakit at tinatayang 50 milyon katao sa buong mundo ang naapektuhan nito.

Umabot na ang sakit sa 125 bansa at tinalo na ng dengue ang malaria na itinuturing noon bilang “most notorious mosquito-borne disease”.

Sa ulat ng WHO, tinatayang dalawang milyong kaso ng dengue ang naitatala kada taon sa mahigit isang daang bansa partikular na sa
Asia, Africa at Latin Amerika.

Nabatid na 5,000 hanggang 6,000 sa mga ito ang kumpirmadong nasasawi kada taon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply