Winnability ng kandidato, di basehan sa pagboto

IGINIIT ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na hindi ang ‘winnability’ at popularidad ng angkan ng pulitiko ang dapat na gamiting basehan ng mga botante sa pagpili ng mga kandidatong ihahalal nila sa puwesto.

Ayon kay Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, chairman ng National Secretariat for Social Action Justice and Peace (NASSA) ng CBCP, ang dapat na iboto sa halalan ay yaong mga kandidato na ginagabayan ng kanilang “Christian conscience” upang matiyak na ang interes ng mga mamamayan at hindi ng kanyang sarili o pamilya ang isusulong nito.

Kaugnay nito, tiniyak ni Pabillo na magpapalabas sila ng mga guidelines na maaaring gamiting basehan ng mga botante sa pagpili ng mga taong karapat-dapat na iluklok sa pwesto.

Aniya pa, hindi nila gagamitin ang terminong ‘Catholic vote’ dahil ito’y malabo at marami ang nagkakaroon ng iba’t ibang pang-unawa hinggil dito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply