WITH MAYOR DEL, MARIKINA REDISCOVERS ITS HUMANITY

abiso-marikenyo-paul-edward-sison-online

EPEKTO ng Ondoy at 50% discount sa buwis ang dinatnan nina Mayor Del de Guzman, Vice Mayor Fabian Cadiz at Congressman Miro Quimbo nang maupo sila sa puwesto noong July 2010.

Kaya’t sa panahon na nasa calamity mode pa ang Marikina ay siya namang pilay ang kakayanan ng lokal na pamahalaan dahil sa laking kabawasan sa pondo.

Pero tama ang kasabihang may oportunidad sa bawat krisis, kasi ito namang nakaraang tatlong taon ang panahon para madiskubre muli ng Marikina ang kanyang habag at pagkatao (humanity) – bilang siyudad at bilang sangkatauhan.

Sino pa ba ang magtutulungan kundi tayo-tayo ring mga Marikenyo?

Kaya tanggap lang ni Mayor Del ang mga pagbatikos dahil klaro naman sa kanya ang misyon niya at ng pamahalaang lokal sa panahon na pare-pareho pa tayong bumabangon mula sa epekto ng state of calamity. In times, of crises, we have to take care of each other.

‘Yan kasi ang kanyang natutunan at nakagisnan sa kanyang mga magulang at sa Boy Scouts. Isinasabuhay niya lang ‘yung “… to help other people at all times” na nire-recite sa Boy Scouts Oath. Ito kasi ang naging guiding principle niya sa kanyang 24 na taon sa public service.

Akmang-akma nga ang Tunay na Kaunlaran, Tao Naman na governance philosophy ng Marikina.  Kaya’t minabuti niya na sa Marikina Sports Park ganapin ang kanyang State of the City Address sa Enero 9 para naman makasama ang mga taong malalapit sa kanyang puso at naging malaking bahagi ng kanyang buhay.

Marami kasi sa mga nasa munisipyo at komunidad ay mga kasama pa ni Mayor Del mula noong siya’y isang youth leader, naging konsehal noong 1988, vice mayor noong 1992,  congressman noong 2001, at ngayon naman bilang punong lungsod. Malalim-lalim na ang kanilang pinagsamahan at malayo-layo na rin ang narating nito.

Ngunit bakit tila bumabalik ang vendors at mga sampayan sa bangketa, dumarami ang mga nakahubad sa kalsada, at maingay muli ang mga videoke sa disoras ng gabi?

Mali yata ang pagkakaintindi ng iba nating kasama sa pilosopiyang “Tunay na Kaunlaran, Tao Naman.”

Kung talagang mahal natin ang Marikina at nirerespeto natin si Mayor Del, dapat nating itama agad ang kamaliang ito at manumbalik dapat ang kaayusan at disiplina sa Marikina para na rin sa ating kapakanan.

Marami pa tayong krisis na haharapin. Pero malaki ang ating tsansa na malagpasan ang mga ito, kung tulad ng dati, haharapin natin ito nang may pinagsamang lakas.

Nakalulungkot na ang dali naman nating binitawan ang isang bukod tanging yaman ng Marikina na nais tularan ng ibang bayan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply