Wizards nalusaw sa Heat

heat

DEPENSA at rebounds ang pumatay sa Miami Heat sa laban nila kontra Chicago Bulls nitong nakaraan.

Kanina, ang depensa at rebounds ang ginawang sandalan ng Heat upang tustahin ang Washington Wizards, 99-71 sa nagaganap na 2012-13 National Basketball Association (NBA) regular season.

”The defense came alive,” wika ni three-time MVP LeBron James. ”We understand that if we want to win, ultimately we have to defend.”

Yukod sa rebounding ang Heat sa Bulls, 28-48 kaya natalo sila sa kanilang lugar at sa laban nila kontra Wizards ay inungusan nila ang Washington, 50-39.

Umararo si basketball superstar James ng 24 puntos at pitong assists upang ilista ng Heat ang 23-9 win-loss record at manatiling nasa top spot ng Eastern Conference.

Nilista rin ni James ang kanyang pang-32 sunod na 20 points pataas.

”There were some better in-traffic battles, guys going up and trying to get it with two hands, guys getting up off the ground,” sabi ni Heat coach Erik Spoelstra. ”That disposition to rebound was better. It’s an effort thing.”

Nagrehistro naman ang pambato ng Heat sa three-point na si Ray Allen ng 20 puntos habang ang kakamping sina Chris Bosh at Dwyane Wade ay nag-ambag ng 17 at 14 pts, ayon sa pagkakasunod.

Dominado ng Heat ang apat na quarters kaya pinalasap nila ang panglimang sunod na talo ng Wizards.

Nakaka-apat na panalo pa lang ang Wizards sa 32 na laro.

Si bench player Kevin Seraphin ang nanguna sa puntusan para sa Wizards na may binirang 14 pts. at tatlong boards habang si Cartier Martin ay may 13 points.

Samantala, lugmok na naman ang Los Angeles Lakers matapos ang 112-105 luhod kontra Denver Nuggets.

Nagkaroon ng overtime period bago kinalmot ng Charlotte Bobcats ang Detroit Pistons, 108-108.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply