WW 11 grenade, nahukay sa Suralah, South Cotabato

grenade-2

NAHUKAY ng isang pamilya ang isang pinaniniwalaang vintage hand grenade sa kanilang farm lot barangay Moloy bayan ng Suralah, South Cotabato.

Ang kinakalawang na vintage hand grenade ay narekober ng pamilya Narciso habang naghuhukay para sa paglalagay ng pundasyon ng itinatayaong kubo sa mismong farm lot.

Isinuko agad ng pamilya ang nakuhang granda sa barangay kapitan na si Jessie Hervilla na dinala naman nito sa Suralah PNP.

Sa salaysay ng pamilya, habang naghuhukay sila ng lupa ay nakita nila ang nasabing vintage grenade.

Ayon kay Police Supt. Jemuel Siason, OIC chief of police ng Suralah PNP, nai-turn over na nila sa explosive ordnance disposal team ang na-recover na vintage grenade.

Sinabi pa ng opisyal na may posibilidad na sumabog ang naturang granada dahil intack pa ang pulbura nito sa loob.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply