Yes Trabaho Fair 2013 inilunsad sa Parañaque

jobs

KAILANGANG gumawa ng oportunidad at pagkakataon ang mga lokal na pamahalaan upang maiangat ang pamumuhay ng kanilang mga mamamayan at ito ang ginawa ng mga lokal na pinuno ng Parañaque para sa mga kanilang residente na naghahanap ng trabaho.

Ilulunsad ng pamahalaang lokal ng siyudad na ito ang “ Yes Trabaho Job Fair 2013 ” sa Pebrero 8, 2013 sa the Event Center of SM City Sucat sa Brgy. San Dionisio.

Katulad ng mga nauna rito, ang nasabing job fair ay lalahukan ng maraming kumpanya at tatampukan ng iba’t ibang bakanteng trabaho simula “entry level” tungong “skilled labor, technical and professional career positions”.

Ito ay inorganisa ng Parañaque Public Service Employment Office (P.E.S.O.)/P’que Livelihood Resource Management Office sa pakikipagtulungan ng Tanggapan ni Konsehal Benjo Bernabe.

“Layunin naming patuloy na mapaunlad ang mga oportunidad pangkabuhayan sa siyudad gayundin ang potensyal ng negosyo tungo sa paglaki ng mga kumpanya at paglikha ng maraming trabaho. Sa pamamagitan nito, ang mga mamamayan ay makakaasa ng magandang prospektibo ng kabuhayan at kinabukasan.”, pahayag ni Parañaque Mayor Jun Bernabe.

Layon ng programa na mabawasan ang unemployment hindi lamang sa lungsod kundi sa bansa bilang contributing factor sa pangkalahatan at kriminalidad dahil sa patuloy na agos ng pagkakakitaan para sa mga mamamayan partikular ang mga kabataan sa nasabing lungsod.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply