Zambales niyanig ng 2 lindol; aftershocks asahan

(UPDATE) INUGA ng magkasunod na lindol ang Zambales kagabi (Enero 14).

Sa bulletin ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology, ang unang pagyanig na may lakas na magnitude 5.2 ay naitala pasado alas 7:03 ng gabi. Ang sentro nito ay natukoy sa layong 45 kilometers sa hilagang kanluran ng San Antonio, Zambales.

Ayon sa Phivolcs naramdaman ang Intensity II na pagyanig sa bahagi ng Pasay City.

Naitala naman ang ikalawang pag-uga bandang alas-7:16 ng gabi na may lakas na magtinutde 5.0. Natunton ang sentro nito sa layong 50 km hilagang kanluran ng San Antonio, Zambales.

Walang iniulat na nasaktan o nasirang ari-arian sa dalawang pagyanig pero sinabi ng Phivolcs na asahan ang mga susunod na aftershock.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply