1 pang miyembro ng Alferez, nasakote

crime-fugitive

NASAKOTE ang isa pang miyembro ng Alferez Group nang bumalik ito sa kanilang hideout sa Caloocan City Biyernes ng hapon, Pebrero 1.

Nakuha sa suspek ang isang kalibre .38, granada at magazine ng M-16 at mga bala kay Carmelo Soler, 41, ng Veraville subd., Bacoor, Cavite.

Sa ulat, dakong alas-4:45 ng hapon, nakatanggap ng tawag ang mga pulis na may isang lalaki ang pumasok sa hideout ng Alferez group sa San Vicente Ferrer, Camarin ng lungsod.

Agad na nerespondehan at inabangan ng mga pulis ang paglabas ng suspek.

Hindi na nakapalag ang suspek dahil napaligiran na ng mga parak at nang tignan ang dalang bag ay nakuha ang mga nasabing gamit at ang itinapon na cellphone.

Matatandaan na noong Enero 30, 2013 nang pasabugan ng granada at pagbabarilin ng hindi nakilalang mga suspek ang isa sa mga hideout ng Alferez Group sa Catleya St., Deparo ng lungsod na naging dahilan ng pagkamatay ng isa sa mga miyembro ng sindikato na si Eduardo dela Cruz Nobleza alyas Eddie.

Nakatakas naman sa naganap na insidente ang lider ng grupo na si Diosdado Nobleza Alferez kasama ng dalawa pa na nakilalang sina Jimmy Parame at Jerry dela Cruz sa pamamagitan ng pagharang sa isang Toyota Hi-Ace UV Express Service Commuter Van (UVK-709) na minamaneho ng isang Melicio Reonal na siyang ginamit ng mga ito sa pagtakas at inabandona ng mga ito ang sasakyan sa San Vicente Road, Brgy. San Vicente, San Pedro, Laguna.

Kabilang sa mga kasong kinasasangkutan ng Alferez Group ang panghoholdap sa Union Bank-Makati (2003), Allied Bank-Vito Cruz (2005), Jewelry Robbery Hold-Up-Davao (2008), BPI-Commonwealth (2011) at iba pa.

Hanggang sa kasalukuyan ay patuloy na tinutugis ang iba pang mga miyembro ng sindikato at ang tatlong nakatakas habang inaalam pa rin kung anong grupo ang may kagagawan ng pagsalakay sa hideout ng mga ito.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply