1 patay, 22 ligtas sa tumaob na bangka sa Sorsogon

crime5

PATAY ang isa habang 22 pasahero ang nailigtas makaraang lumubog ang sinasakyang bangka sa Sorsogon.

Nakilala ang nasawi na si Rosemarie Rebusora, 18, na natagpuang palutang-lutang sa tubig ilang metro ang layo sa lumubog na bangka.

Nabatid na hinampas ng malaking alon ang bangka habang naglalayag sa Brgy. San Rafael, Pilar.

Mapalad namang agad na nakarespunde ang tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) makaraang makatanggap ng distress call.

Sinasabing ang naturang bangka ay galing sa Barangay Dapdap at patungo na sa Pilar Port.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply