100,000 senior citizen natutulungan ni Recom

BILANG pagpapahalaga ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri sa mga nakatatandang residente ng lungsod ay umabot na sa mahigit isandaang libong (100,000) mga senior citizen ang natutulungan ng administrasyon ng alkalde sa iba’t ibang paraan.

Ayon kay Echiverri, ang nasabing bilang ng mga senior citizen ay nakatatanggap ng tulong sa lokal na pamahalaan sa iba’t-ibang paraan maging ito man ay tungkol sa sosyal na aspeto ng buhay ng mga nakatatanda.

Sa ilalim ng administrasyon ni Echiverri, naitatag ang Christian Community ng Office of Senior Citizen Affairs (OSCA) na kung saan ay isang beses sa isang linggo na nagkakaroon ng bible study ang mga senior citizen.

Layunin ng programang ito na mabigyan ng kaalaman ang mga nakatatandang residente na matutunan ang mga salita ng Diyos at natututo rin ang mga senior citizen na maibahagi ang kanilang mga karanasan sa buhay.

Sa pamamagitan nito, bukod sa naibabahagi ng mga senior citizen ang kanilang mga karanasan sa buhay ay nalalaman din ng mga ito kung paano maitatama ang mga pagkakamaling kanilang nagawa sa buhay.

Ayon naman sa tanggapan ng President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center (PDMMMC), bukod sa 20% discount na nakukuha ng mga senior citizen sa pagbili ng gamot ay nakakakuha rin ang mga ito ng libreng pagkonsulta sa doktor at pagsailalim sa iba’t-ibang eksaminasyon habang nagtutungo rin ang mga health workers sa iba’t-ibang barangay upang makapagbigay ng serbisyo sa mga nakatatanda.

Kabilang sa mga medical services na nakukuha ng mga matatandang residente ay ang libreng konsultasyon, libreng eye glasses, libreng pagsusuri sa bone density, fast blood sugar, screening, triglyceride screening at digital rectal examination.

Bukod dito, naghahanap din ang OSCA ng pinakamatandang residente na nabubuhay kung saan ay nabibigyan ang mga ito ng cash gift at ang pinakahuling naitalang pangalan ay si Lourdes Gallano Marquez na dating tagalaba at tagaigib ng tubig.

Sinabi pa ni Echiverri, ang pagbibigay ng kanyang administrasyon ng halaga sa mga senior citizen ay isang paraan upang ipadama sa mga ito ang kanilang kahalagahan sa lipunan at para na rin ipaalala sa mga ito ang kanilang mga mabuting nagawa para sa mas mga nakababatang mga residente.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply