2 miyembro ng ‘Donut Gang’ na umatake sa 1 mall sa QC, natiklo

crime-fugitive

NASILO ng pulisya ang dalawang miyembro ng “Donut Gang” na nasangkot sa nakawan sa parking area ng Robinson’s Magnolia sa Quezon City.

Sinabi ni Senior Supt. Richard Albano, Quezon City Police District director, na ang mga nadakip ay sina Nomer Pacheco, dating pulis na nag-absent without leave (AWOL) noong 2006 at Richard Fontanilla.

Ayon kay Albano, naaresto ang dalawa base sa dokumento at driver’s license na natagpuan sa loob ng Mitsubishi Adventure na inabandona ng mga suspek sa lugar.

“[Nahuli] ito ng mga operatives natin dahil sa naiwan na license at plate number ng sasakyan. Na-trace ng mga tao natin ang address, ang nagpahiram, sinong humiram,” pahayag ni Albano.

Nitong nakaraang Enero 30, nahuli sina Pacheco at Fontanilla na tinutungkab ang spare tire ng Ford Ranger ng isang nagngangalang Elbert Alvarez at isinakay sa kanilang behikulo.

Inalerto naman agad ni Alvarez ang mga guwardiya ng mall na humantong sa palitan ng putok.

Sa kabutihang palad, walang tinamaan sa putukan at tumakas ang mga suspek at inabandona ang kanilang sasakyan matapos na tamaan ito ng bala.
Naganap ang insidente sa Robinsons Magnolia sa kanto ng Hemady St., at Auroa Blvd ilang araw matapos ang panghoholdap sa isang jewelry store sa SM Megamall sa Mandaluyong City.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply