2 opisyal ng PNP sinibak, 9 suspendido

SINIBAK sa serbisyo ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales ang dalawang opisyal ng Philippine National Police (PNP) habang sinuspinde ang siyam na iba pa dahilan sa umano’y maanomalyang pagbili ng 75 defective rubber boats na nagkakahalaga ng P131.5 million kaugnay ng bagyong Ondoy at Pepeng nitong nakalipas na 2008.
Sa 118-pahinang desisyon na nilagdaan ni Ombudsman Morales napatunayang nagkasala sina C/Supt. Herold Ubalde at Deputy Director General Benjamin Belarmino,Jr. sa kasong gross neglect of duty at grave misconduct at hindi rin makakatanggap ng retirement benefits at pagka diskuwalipika na humawak ng alinmang puwesto sa gobyerno .
Kasabay nito, sinuspinde naman ng Ombudsman sa serbisyo ng anim na buwan sina Police Dir. George Piano,Chief Supt.Luis Saligumba, Senior Supt.Job Nolan Antonio at Senior Supt. Edgar Paatan, pawang miembro ng PNP’s Inspection and Acceptance Committee matapos mapatunayang nagpabaya sa tungkulin kaugnay ng naturang isyu.
Isang buwan namang suspendido ng walang sahod sina Joel CL Garcia alyas Joel Crisostomo De Leon Garcia, Ronald Lee, Ma. Linda Padojinog, at NUP Ruben Gongona, pawang miembro ng PNP National Headquarters Bids and Awards Committee and Technical Working Group .
Pinayuhan naman ni Morales si National Police Commission (Napolcom) Director Conrado Sumanga Jr. na gawin ng mabuti ang trabaho bilang miembro ng Oversight Committee and Acting Service Chief of the Installations and Logistic Service upang walang mailapat ditong kaparusahan kaugnay ng isyu.
Ang kaso ay nag ugat sa reklamo noong November 15, 2011 at February 17, 2012 na naisampa ng tanggapan ng Deputy Ombudsman for the Military and Other Law Enforcement Offices’ Fact-Finding Bureau (FFIB-MOLEO).
Lumabas sa records na ang PNP ay bumili ng 75 rubber boats at 18 spare engines o outboard motors para gamitin ng PNP Maritime Group bilang bahagi ng PNP’s Annual Procurement Plan noong 2008 sa ilalim ng Capability Enhancement Program Funds pero nang maideliver ang naturang mga equipments, nadiskubre ng PNP Maritime Group’s Technical Inspection Committee on Watercrafts na depektibo ang mga equipments at delikadong gamitin bukod sa ang iba ay di gumagana.
Hindi naman kasama sa naparusahan ng Ombudsman si dating PNP Chief Jesus Verzosa at 18 iba pa dahil sa kawalan nila ng hurisdiksiyon sa kaso dahil nakapag retire na ang mga ito sa serbisyo bago naisampa ang kaso at ang iba naman ay walang sapat na ebedensiya pra madiin sila sa kaso.
You must be logged in to post a comment Login