2 paslit nalason sa tuba-tuba

poison

NAKARATAY ngayon sa General Santos District Hospital ang dalawang bata makaraang malason sa kinain nilang tuba-tuba sa Prk. 2, Extension, Brgy. Apopong sa lungsod.

Nabatid na nakaranas ng pagkahilo, pananakit ng tiyan, pagsusuka ang mga batang sina Patricia Nicole Capion, 5, at ang kalaro nito na si John Mar Bruno, 3, kapwa residente ng nabanggit na lugar.

Ayon pa sa ulat, naglalaro ang dalawa at hindi nabantayang maigi ng magulang na kumain pala ng tuba-tuba kaya’t nahilo.

Patuloy pa ring inoobserbahan ng doctor ang mga biktima.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply