2 salvage victim, ikinalat sa QC

salvage-2

IKINALAT sa kalsada ang dalawang hinihinalang biktima ng summary execution sa Quezon City kaninang umaga (Pebrero 5).

Unang natagpuan dakong 5:30 ng madaling ang isang bangkay ng hindi nakikilalang lalaki na nakasuot ng short pants at t-shirt sa Waling- Waling St., sa Barangay Sauyo.

Habang sinisiyasat naman ng mga tauhan ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) ang naturang bangkay, isa pang bangkay ang nadiskubre sa Sauyo Road.

Ang dalawang salvage victim na kapwa payat ang pangangatawan at 20 hanggang 23-anyos ay binalutan ng packing tape ang ulo, kamay at paa at saka sinakluban ng puting sako ang kanilang ulo.

Wala rin nakitang anumang kapansanan ang mga biktima sa katawan tulad ng saksak o tama ng baril kaya hinihinalang pinatay sila sa sakal.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply