LPGMA nagpatupad ng rollback

lpg1

NAGPATUPAD ng rollback sa presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) ang LPGMA ngayong tanghali.
Sinabi ni LPGMA Partylist Rep. Arnel Ty,  babawasan ng P1 bawat kilo o P11 ang halaga ng LPG.

Manganghulugan na ang isang tangke ay nasa P636 na lamang.

“The international contract price of LPG has dropped by $45 per ton, from $955 in January to $910 for February. For the benefit of consumers, we are immediately making the corresponding downward adjustment in our retail prices,” ani Ty.

Ito ang ikalawang pagkakataon na ang LPGMA refillers ay nagpatupad ng rollback sa taong ito kung saan ang unang P2 rollback ay noong Enero 1.

Ang rollback ng LPGMA noong Enero ay sinundan naman ng malalaking oil companies.

“The economies of large LPG markets such as the US, Europe, China and India have slowed down, resulting to significantly lower demand,” sinabi pa ni Ty.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply