3 hukom ng Sandiganbayan, sinabon ng SC

sandiganbayan

PINAGALITAN ng Korte Suprema ang tatlong Sandiganbayan Justices dahil sa kabiguan na agad na ipatupad ang pag-aresto sa dating alkalde ng isang bayan sa lalawigan ng Ilocos Norte.

Kasabay nito ay binalaan ni Associate Justice Estela Perlas-Bernabe ang mga mahistrado ng Sandiganbayan na sina Francisco Villaruz Jr., Alex Quiroz, at Samuel Martires na papatawan ng mabigat na parusa sakaling maulit ang kanilang hindi agad na pag-aksiyon na ipatupad ang parusa laban kay dating Bacarra municipal mayor Pacifico Velasco.

Si Velasco ay pinatawan ng Anti-graft court 3rd division ng anim hanggang walong taong pagkakakulong sa kasong paglabag sa Anti-graft law na isinampa laban sa kanya noong 2008.

Nag-ugat ang admonition laban sa tatlong hukom ng Sandiganbayan matapos magsampa ng kasong administratibo laban sa kanila ang isang Leonardo Velasco, na nagsabing inaantala ng mga nabangit na hukom ang pagpapatupad ng parusa laban kay Velasco sa kabila ng pinal na desisyon ng Korte Suprema.

Nakasaad sa desisyon ng Kataas-taasang hukuman noong ika-15 ng Enero na inilabas lamang sa media kahapon (feb. 4) na walang indikasyon na guilty ng misconduct ang tatlong mahistrado. Subalit nagkaroon umano ng pagkukulang sa paghuhusga nang mabigo ang mga ito na agad ipatupad ang utos ng korte.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply