300 porter ng NAIA, mawawalan ng trabaho

naia

DISMAYADO ngayon ang humigit kumulang sa 300 porter sa apat na terminal ng Ninoy Aquino International Airport ( NAIA) dahil mawawalan na sila ng trabaho sa katapusan ng  buwang kasalukuyan.

Ang pagkabakente sa trabaho ay karagdagan sa non-employment rate ng pamahalaan dahil hindi na ni-renew ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang  kontrata nito sa agency na LBP Services Inc.

Ayon sa mga porter sa NAIA na tumangging magpakilala, nabigla sila dahil nitong Enero  lamang sila naabisuhan na wala na pala silang trabaho sa Marso a Uno.

Dismayado ang mga porter lalo na’t kabibili lamang nila ng bagong apat na uniporme na binayaran pa nila sa kanilang agency.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply