4 MNLF pinugutan ng ASG, 6 pa pinatay

PINUGUTAN na ng ulo ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang apat sa 10 pinatay na mga miyembro ng Rouge Moro National Liberation Front (RMNLF) kaninang umaga sa Patikul, Sulu.

Nabatid na bukod sa limang MNLF members na napaulat na natodas sa engkuwentro, hindi pa mabatid sa ngayon kung ilan din ang napatay sa panig ng ASG sa nagpapatuloy  na bakbakan ng dalawang grupo.

Nagkaengkuwentro ang MNLF at bandidong grupo dahil sa hindi pagkakaunawaan hinggil sa napalayang dalawang Filipino TV crew ng Jordanian journalist kagabi.

Unang naiulat na 10 ang binawian ng buhay sa engkuwentro sa pagitan ng Moro National Liberation Front (MNLF) at ASG.

Lumalabas na nakasagupa ng MNLF ang grupo ni ASG leader Radullan Sahiron na may hawak sa dinukot na journalist na si Baker Atyani at dalawang Filipino crew.

Nauna nang napalaya sa Sulu ang dalawang Pinoy na sina Ramelito Vela, isang cameraman; at Buboy Letrero, isang audioman.

Pasado alas-9:00 kagabi nang mai-turnover ang dalawa sa awtoridad.

Patuloy namang bihag ang Jordanian journalist na si Baker Atyani na hinihingan ng P20 million na ransom.

Dumating sa Sulu ang crew ng Jordanian journalist noong June 11, 2012 upang mainterbyu ang bandidong grupo.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply