7 militanteng kabataan, binitbit sa MPD

kadamay

INARESTO ng Manila Police District ang pitong militanteng kabataan matapos na tangkaing mag-lighting rally sa gate 7 ng Malakanyang.

Kasalukuyang pinipigil ngayon sa tanggapan ng MPD-General assignment Section ang mga militante na sina Johnvic Austria, 22-anyos; Christian Conception, 22; Del Adiao, 20; Ruby Apari, 26; Harly Larbo, 20; Jonalyn Adia, 19; at Val Jayson Dimayuga, 26 na pawang mga miyembro ng grupong Kadamay.

Sila ay nakatakdang sampahan ng kasong illegal assembly .

Ayon sa GAS, napag-alaman ng mga awtoridad na magsasagawa ng rally ang mga kabataan at nang mamataan ang mga ito sa isang fastfood chain ay agad silang binitbit at dinala sa headquarters.

Ibinubunton ng grupo ang sisi sa gobyermo sa patuloy na nagaganap na illegal mining at logging sa Mindanao na nagiging dahilan ng matinding pagbaha at pagguho ng lupa sa mga kabundukan na nagresulta ng pagkamatay ng ilang nakatira sa lugar.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply