A LAWYER’S CHALLENGE

PASAPORTE-BY-JR-LANGIT

“Hindi mo kaya.”- ‘Yan ang mga salitang nagsilbing ha-mon sa Filipinong abogado sa Canada upang patunayan ang kanyang sariling kakayahan at magtagumpay.

Nagtapos ng kursong abogasya sa Ateneo de Manila University si Atty. Alafriz Jr., at sa loob ng halos labindalawang taon ay nanilbihan siya sa bayan bilang isang konsehal sa Pasay simula noong 1964.

Ayon sa kanya maayos ang naging takbo ng kanyang karera bilang isang konsehal, subalit nang magkaroon ng martial law, nangamba siya at ang kanyang asawa sa maaring maging epekto nito hindi lamang sa bansa kundi pati na rin sa kanilang mga anak at hanapbuhay…at mahawa na rin siya sa korapsyon…kung kaya’t nagdesisyon silang mag-asawa na lisanin ang Pilipinas at magtungo sa Canada upang doon manirahan.

Hindi naging madali ang pagsisimula ng panibagong buhay ng mag-asawa sa nasabing bansa, sapagkat kinailangang maghanap ng pansamantalang trabaho ni Atty. Alafriz habang inihahanda niya ang kanyang sarili upang kilalaning abogado roon.

Dahil na rin sa napakaraming pagkakaiba ng mga batas sa Pilipinas at sa Canada, muling nag-aral si Atty. Alafriz, habang nagtatrabaho.

Marami ang nagsabi na hindi niya makakayang makipagsabayan sa mga abogado roon.

Hinusgahan ang kanyang kakayahan, subalit sa halip na sumuko at panghinaan ng loob, ang mga salita pang iyon ang tila nagsilbing gasolina upang higit na mag-alab ang kanyang kagustuhan na kilalaning ganap na abogado sa Canada.

Nagkataon ding wala pang Filipinong abogado roon.

Dahil sa labis na determinasyon at pagsisikap upang maabot ang pangarap, hindi nagtagal ay natapos at naipasa niya ang kanyang kurso at kinilala siya bilang isang ganap na abogado sa nasabing bansa.

Naging Solicitor at Barrister siya roon, kung saan marami ang naging kliyente niya at iba’t ibang kaso ang nahawakan niya.

Sa buhay, mayroong mga pagkakataon na dumaranas tayo ng mga pagsubok at kung minsan dumarating sa punto na kung kailan kailangang-kailangan natin ng suporta na makapagpapalakas ng ating loob, halos walang naniniwala sa atin.

Subalit gaya ng ginawa ni Atty. Alafriz, ituring natin ito bilang isang hamon upang higit tayong magsikap sapagkat balang-araw, sa tulong at biyaya ng Panginoon, aanihin natin ang bunga nito.

*******

Sa iba pang istorya ng buhay ng ating mga kababayan overseas, tumutok lamang sa Biyaheng Langit at Kasangga Mo Ang Langit sa IBC13 tuwing Huwebes, 11:30 ng gabi.

Bisitahin ang Facebook fan page: BIYAHENG LANGIT/KASANGGA MO ANG LANGIT.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply