Aberya sa PCOS machines lulutasin

pcos

BAHALA na ang Commission on Elections (Comelec) na lutasin ang mga naitalang aberya sa mga ginamit na Precinct Count Optical Scan (PCOS) machines sa isinagawang mock elections.

Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na batid naman ng komisyon na kailangang malutas ang naturang problema bago pa sumapit ang halalan sa bansa sa Mayo 13.

Sa katunayan pa rin, aniya, ay nagsabi na rin ang komisyon na kanilang tutugunan ang mga kapalpakan na anila’y minor glitches.

Sa ulat, tinuran ni Comelec chairman Sixto Brillantes na mahaba at sapat ang panahon para resolbahin ang mga problema bago ang halalan.

Subalit, nangamba naman ang grupong Kontra Daya sa mga naitalang aberya dahil pareho daw ito sa mga nangyari noong 2010 elections.

Para sa kanila, hindi na natuto ang Comelec sa naging karanasan at palpak pa rin ang mga PCOS machines.

“The Comelec is aware that these have to be addressed before the May 13 polls. According to the Comelec, they do hope to address the few glitches that they found,” ani Valte.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply