Kano na nahulihan ng shabu pinakakasuhan na

brian-kevin-hills

PINAKAKASUHAN ng Department of Justice (DOJ) sa Makati Regional Trial Court ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 o RA 9165 ang American national na nasamsaman ng mga ipinagbabawal na gamot sa Makati City noong nakaraang taon.

Sa 12 pahinang resolution na inaprubahan ni Prosecutor General Claro Arellano, nakakita ng probable cause sina Assistant State Prosecutor Juan Pedro Navera at Associate Prosecution Attorney Anna Noreen Devanadera para kasuhan si Brian Kevin Hills alinsunod sa inihaing reklamo ng PNP Anti-Illegal Drug Special Operations Task Force.

November 20, 2012 nang salakayin ng PNP Aidsotf ang condo unit ni Hills sa Barangay Bel-Air Makati City base sa search warrant na ipinalabas ni QC RTC Judge Fernando Sagun.

Kabilang sa mga nasamsam sa condo unit at sasakyang Pajero ang ilang gramo ng Cocaine, Nitrazepam, Zolpidem, Diazepam at shabu.

Sinabi ni PG Arellano, wala silang inirekomendang piyansa laban kay Hills dahil sa mahigit 9 libong gramo ng shabu na nasamsam sa kanya.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply