Nalamang Imam: Teacher pinakawalan ng mga kidnapper

hostage

PINAKAWALAN ng apat na hindi pa kilalang suspek ang isang Arabic teacher matapos malaman na isa itong Imam sa Caloocan City, Huwebes ng hapon

Sa pahayag ng biktimang si Jamel Amerol, 28 ng Riverside, Phase 12, Tala ng lungsod, dakong alas-5:45 ng hapon, papauwi na siya sakay ng motorsiklo subalit pagsapit sa Land Development Road, Tala ng lungsod ay hinarang ng mga suspek na pawang naka-bonnet sakay ng van na walang plaka.

Pilit na isinakay sa van ang biktima bago piniringan sa mga mata hanggang sa dinala siya sa isang bahay sa Quiapo, Maynila.

Sinabihan ng mga suspek si Amerol na aminin ang mga patayan sa kanilang lugar subalit nang magpakita ng ID (card) ang biktima na isa siyang Imam ay nagpasya ang mga una na pakawalan na si Amerol.

Inaalam na ng mga pulis kung sino ang mga suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply