Arestado sa gun ban, 403 na

gun-ban

UMABOT na 403 katao ang naaresto sa paglabag sa ipinatutupad na nationwide gun ban para sa nalalapit na midterm elections sa Mayo mula nang magsimula ito nitong Enero 13, ayon sa Philippine National Police (PNP)-National Election Monitoring Action Center (Nemac).

Bukod dito, nasa mahigit 400 iba’t ibang uri ng armas ang nakumpiska ng awtoridad (355 baril, 98 bladed weapons, limang gun replicas; 18 granada at explosives at 1,808 bala para sa iba’t ibang uri ng baril).

Ayon sa Nemac, 355 sa 403 violators ay mga sibilyan habang 27 ang security guards; pitong opisyal ng gobyerno; pitong pulis at isang sundalo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply