Bahay ni Rasuman sa Lanao del Sur niratrat, sundalo patay

crime11

TUMIMBUWANG ang isang sundalong kasapi ng 65th IB, Philippine Army nang paulanan ng bala ang pamamahay ni Auto Nad 21 Trading founder Jachob “Coco” Rasuman sa Brgy. Panggao Saduc, Marawi City, Lanao del Sur nitong Biyernes ng gabi (Pebrero 1).

Sinabi ni Lanao del Sur police provincial director S/Supt. Alfredo Modestano, na ang biktima ay si Private First Class (PFC) Oward John Abellana.

Ayon kay Modestano, dalawang hindi kilalang kalalakihang sakay ng motorsiklo ang namaril sa bahay ni Rasuman sa Barangay Panggao Saduc, Marawi City gamit ang bitbit nilang M-16 armalite rifle at natamaan agad si Abellana.

Nakaganti pa ng putok ang biktima subalit ilang minuto lamang ay bumigay na rin ito.

Sinabi ni Modestano na nagtamo rin ng sugat ang mga suspek dahil sa mga bakas ng dugo na nakita sa crime scene kaya agad ikinalat ang pulisya sa buong lungsod lalo na sa mga pagamutan.

Dagdag pa ni Modestano, hindi pa nila masabi kung ang pangyayari ay may kaugnayan sa hindi natuloy na case arraignment ni Rasuman sa kinakaharap na syndicated estafa sa dalawang korte noong nakaraang Enero 30, dito sa Cagayan de Oro.

Magugunitang wala nang kahit isang miyembro ng pamilya ni Rasuman na nakatira sa kanilang bahay matapos itong naaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa kasong syndicated estafa nang itinuro siya ng kanilang mga kliyente na lumustay ng multi-billion peso capital bago nagdeklara ng pagkalugi noong taong 2012.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply