Bebot tinapyasan ng leeg habang naglalaba

HALOS humiwalay na ang leeg ng isang babae sa kanyang ulo nang matagpuan sa ilog ng Purok 7, Barangay Taguibo, Butuan.

Nabatid na isang grupo ng kabataan ang nakakita sa bangkay ng biktima na si Mayflor Pinote, 24, kinakasama ng isang Dolmar Pinote.

Sa imbestigasyon, nabatid na nagpunta sa ilog ang biktima upang maglaba ngunit natagpuan na lamang itong patay na may dalawang taga sa likod at leeg.

Inalam na kung sino ang may kagagawan sa krimen.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply