Bidding sa indelible ink atbp, binuksan ng Comelec

indelible-ink

MAY 98 araw na lamang bago ang May 13 midterm elections, binuksan na ng Commission on Elections (Comelec) ang bidding para sa Indelible ink, Plastic Security Seal na gagamitin para sa mga ballot boxes at iba pang election paraphernalia.

Nakasaad sa invitation to bid na inilabas ng Comelec-Bids and Awards Committee (BAC) na naglaan sila ng P231.2 milyon para sa mga nasabing election paraphernalia.

Ayon sa SBAC, para sa indelible ink ay naglaan ang Comelec ng P72.2 milyon na pondo,

P12.4 milyon para sa Thumbprint/Fingerprint Taker, P16.4 milyon para sa Plastic Security Seal para sa Ballot Box,  at P539 thousand para sa Fixed Length Seal.

Para naman sa Carbonless Paper ay P84.1 milyon ang inilaan nila, P35.6 para sa Training Manuals , at iba pang mga mahahalagang gamit para sa darating na halalan.

Sinabi ng SBAC na idaraos ang pre-bid conference para sa mga nasabing election paraphernalia sa Pebrero 7, sa ganap na 10:00 ng umaga, habang ang opening of bids naman ay itinakda sa Pebrero 18.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply