Nakonsensya sa pangrereyp; Bilanggo nagbigti, todas

crime6

TODAS ang isang bilanggo makaraan magbigti sa loob ng kanyang kulungan sa Lumbia police station dahil sa kinaharap umano nitong kasong panggagahasa sa Cagayan de Oro City.

Nakita ang bangkay ni Ben Armecin, 40, ng Iligan City na nakabitin sa loob ng kulungan at wala nang buhay.

Ayon sa ulat, nagbigti ang biktima sa pamamagitan ng pagtali ng kanyang leeg gamit ang sariling T-shirt.

Una nang naaresto ng mga awtoridad ang biktima sa kasong rape sa 8-anyos na batang babae.

Samantala, kahit na patay na ang biktima, itutuloy pa rin ng mga magulang ng ni-rape ni Ben na ituloy ang kaso.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply