Binata lumagok ng silver cleaner, tigok

bangkay

WINAKASAN ng isang binata ang kanyang buhay sa pamamagitan ng paglaklak ng silver cleaner sa Tondo, Maynila kahapon.

Kinilala ni SPO1 Jonathan Bautista ng Manila Police District Homicide Division ang biktima na si Mark, alyas Puti, tinatayang nasa edad 20 hanggang 25 taong gulang at residente ng 412 Capulong Road, Tondo, Maynila.

Ayon sa report, dakong alas-12:00 ng tanghali nang matagpuang wala ng buhay ang biktima sa loob ng bahay nito.

Lumalabas sa imbestigasyon na ilang ulit na rin umanong nagtangkang magpakamatay ang biktima at noong huli ay naglaslas ito sa kanang pulso.

Huling nakita ng isang kinilalang Ernesto Alvaro, massage therapist, ang biktima alas-2:00 ng umaga habang bumibili ng alak sa tindahan.

Inaya pa umano ni Puti si Alvaro na uminom ngunit tumanggi ito.

Nang puntahan ni Alvaro ang biktima para ayaing kumain ay napansin niyang hindi na ito gumagalaw at malamig na ang mga paa.

Natagpuan din sa tabi ng biktima ang dalawang bote ng silver cleaner na ginamit sa pagpapakamatay.

Inilagak na ang bangkay ng biktima sa Cruz Funeral Parlor para sa awtopsiya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply