BIR hindi tatakbuhan ni Ryan Bang

ryan-bang2

HINDI tatakasan ng ‘It’s Showtime’ host at komedyante na si Ryan Bang ang tax liability nito.

Ito ang tiniyak kahapon ng kampo ng TV host-actor matapos kasuhan ng tax evasion ng BIR sa DOJ.

Ayon sa abugado ni Ryan na si Atty. Joji Alonso, susunod ang kanyang kliyente sa obligasyon nito.

Sinabi rin ng kampo ni Banga na hindi nito sinadya na lumabag sa batas.

Ayon sa BIR, nasa P1.82 million ang hindi nabayarang buwis ng komedyante sa gobyerno.

Si Bang ay produkto ng “PBB Teen Clash of 2010” at host ngayon sa It’s Showtime at main stay ng ‘Banana Split’.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply